IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

magbigay ng mga katangian o kahulugan ng epiko​

Sagot :

Answer:

Ang Epiko o Epic sa wikang English ay isang uri ng panitikan na matatagpuan sa iba't ibang grupo o pangka etniko. Ilan sa katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:

Paggamit ng bansag sa pagkilala sa tiyak na tao

Inuulit na parirala o mga salita

May mga makulay ng mga imahe at metapora na ginagamit sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)

Karaniwang umiikot sa kwentong bayani, pakikipaglaban sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at mga kwentong pag-ibig na paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; maaaring ito ay tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

Kahulugan ng Epiko

Ang epiko ay nagmula sa salitang Griyego na "Epos" na ang kahulugan ay "Awit". Bawat kwentong epiko ay iba-iba at namumukod tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga bawat isa. Ang mga kwentong epiko ay tungkol sa kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga makukulay at kagila-gilalas na pangyayari. Ang mga panguhanhing tauhan ay mga bayani o may katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan ay mga diyos o diyosa.

Explanation:

Halimbawa ng Kwentong Epiko sa Pilipinas

Ilang halimbawa ng kwentong epiko ng Pilipanas.

Biag ni Lam-ang ng Ilocos

Ibalon ng Bicol

Darangan ng Maranao