IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Answer:
pagtalakay lalo na sa politika ng araling wika at politika ng wika sa panahon
ng dekada sitenta sa dahilang sa panahong ito rin naging pinakaproduktibo
ang mga nabanggit na aralin. Dulot na rin iyon ng matinding pandaigdigang
krisis sa ekonomiya na nag-udyok pa sa mga naghaharing uri at imperyalistang
bansa na unti-unting ipataw ang pasismo dahil sa internal (loob ng bansa)
at eksternal (kaugnay sa ibang bansa) na pakikitunggali nito, hanggang sa
rurok ng karahasan noong dekada sitenta. Nasabing pinakaproduktibo ang
naging pag-unlad dahil sa realidad na sa mga panahon ding iyon lantarang
nagkaroon ng ideolohikal na tunggalian sa mahalagang usapin ng ugnayang
wika-lipunan na nakasalalay sa kongkretong tunggalian sa mismong lipunan.
Samakatwid, hindi lamang nagkataon ang kapansin-pansing paglaki ng
guwang sa pagitan ng mapagsamantalang uri at pinagsasamantalahang uri
na naranasan ng mga mamamayan at ng Pilipinas. Kaalinsabay, sa gayon,
ng kahalagahan ng pag-aaral ng kalakaran sa araling wika ang pag-aaral sa
politika ng wika sa ilalim ng rehimeng batas militar. Ito ang magsisilbing
aplikasyon o praktika, bilang mas angkop na termino, ng mga tunggalian sa
kaisipan at sa realidad na tutukuying kalakaran sa araling wika noong mga
panahong iyon. Ang mga ito ay tututok sa pag-aaral sa paggamit ng wika bilang
instrumento ng kapangyarihan at wika bilang materyal na manipestasyon
ng pasistang ideolohiya ng reaksyonaryong pamahalaang Marcos sa ilalim
ng balatkayong kilusang demokratiko at palinghenetikong kinilala bilang
“Bagong Lipunan.” Bukod sa pagiging kakontemporaneo ng pag-unlad at
pag-usbong ng iba’t ibang paraan ng pagsusuri ng wika, mahalaga ring
talakayin ang politika ng wika sa panahong nabanggit dahil sa ipinapamalas
nito hindi lang ang lugar ng wika sa matinding krisis panlipunan kundi
maging ang papel nito sa pasistang anyo ng pamamahalang pangunahing
ginagamit sa pagpapanatili ng kapangyarihan.
Pangkalahatang layunin ng libro ang tukuyin ang politika ng wika
at politika ng araling wika sa konteksto ng pandaigdigang krisis pang-
ekonomiya ng mga dekada sitenta at ng pasismong dulot ng rehimeng batas
militar. Kaakibat na mga espesipikong layunin ang sumusunod:
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.