IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
ANO BA ANG PANDIWA?
Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang pandiwa o salitang kilos. Ito ay ginagamit sa pangungusap upang magsaad ng kilos o aksyon ng simuno.
ASPEKTO NG PANDIWA
Mayroong tatlong aspeto ng pandiwa – ang perpektibo, imperpektibo, at kontemplatibo. Ang bawat isa sa kanila ay lubos na may ipinagkakaiba.
Ating talakayin ang bawat aspeto ng pandiwa kabilang na ang kanilang mga kahulugan at mga halimbawa.
1. PERPEKTIBO
- Ang Perpektibo na aspeto ay nagsasaad ng kilos na naganap na o natapos na. Kadalasan, ang unlaping “nag-” ay dinudugtung sa salitang ugat.
- Halimbawa: Nagbayad na ako sa utang ko kanina.
2. IMPERPEKTIBO
- Ang Imperpektibo ay tumutukoy sa kilos na parating ginagawa o kasalukuyang nangyayari. Kadalasan, mayroon itong inuulit na bahagi ng salitang ugat.
- Halimbawa: Naglalaba si nanay sa kapitbahay.
3. KONTEMPLATIBO
- Ang aspeto na ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang. Kadalasan, ang unlaping “mag” ay dinudugtungan ng salitang ugat.
- Halimbawa: Mamimigay ako ng pamasko mamaya.
#Brainly
#CarryOnLearning
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.