IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
ANO ANG IBIG SABIHIN NG BALAT-SIBUYAS
• Ito ang tawag sa isang taong masyadong madamdamin o madaling masaktan.
• Isang uri o katangian ng isang damdamin na makikita sa isang tao na pagiging sensitibo o masyadong madamdamin.
• Ang balat sibuyas ay isang idyomatikong salita. Ang sibuyas ay kilala bilang sangkap na ginagamit sa pagluluto ng pagkain, kadalasan ito ay ginagamit bilang pang-gisa o pang tanggal ng hindi magandang amoy ng pagkain. Dahil ang katangian ng sibuyas ay manipis ang balat at nakakapagpaiyak sa isang taong bumabalat at humihiwa nito.
• Kaya naman inihahalintulad ang katangian ng isang sibuyas sa isang tao. Kung ang tao ay masyadong sensitive at madaling masaktan ang katawagan sa kanya ay isang balat-sibuyas.
• Kinakailangan na maging maingat ang mga taong kumakausap sa isang taong balat sibuyas sapagkat ang taong ito ay madaling umiyak, madaling mainis at masyadong madamdamin.
Halimbawa:
Nagkaroon ng kasiyahan sa tahanan nila Ana dahil kaarawan niya ito. Masaya ang mga bisita o mga panauhin, mayroong kantiyawan at biruan. May mga punasan ng cake sa mukha at kung ano-ano pa noong natapat kay Ana ang cake ay bigla itong napunas sa kanyang mukha. At dahil dito ay bigla siyang nagalit at umiyak dahil ayaw niyang makipagbiruan sa mga ito.
brainly.ph/question/2543135
brainly.ph/question/2543135
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.