IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Pakikipagkaibigan
Ang pakikipagkaibigan ay ang malalim na pakikipagugnayan sa kapwa. Ang pagkakaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng dalawa o mahigit pang tao na hindi nakabatay sa kanilang mga katangian kundi sa mas malalim na aspekto ng kanilang pagkatao.
Kahalagahan ng Pakikipagkaibigan
- Isa itong paraan upang mapaunlad ang pakikipagkapwa-tao o ugnayan sa kapwa.
- Isa rin itong paraan upang mapaunlad at mahubog ang ating interpersoal na talino.
- Ang pakikipagkaibigan ay mahalaga upang makakilala tayo ng mga tao na maaring may magandang dulot sa atin, mga taong maari nating naituring na isang tunay na kaibigan.
- Dito nagsisimula ang magandang samahan ng mga tao.
- Sa pakikipagkaibigan sa kapwa nakakaramdam ka ng saya at galak at nararamdaman mong hindi ka nag-iisa.
- Naiiwas tayo sa kalungkutan na maari nating maramdaman.
Mabuting Epekto ng Pagkakaibigan
- Nagkakaroon ng masasandalan at matatakbuhan sa mga oras ng pangangailangan.
- Nakatutulong sa atin upang mas mahubog pa ang ating pagkatao.
- Maari tayong makatagpo at maityuring na para nating totoong mga kapatid.
- Nakakatulong sa ating pag-aaral, dahil maari tayong magtanong sa mga aralin na hindi natin lubos maunawaan.
- May nasasabihan ng ating mga problema at nagpapagaan ng ating mga kalooban.
- May nagbibigay ng pangaral kapag nakagagawa tayo ng kamalian.
- Nakatutulong ang mga kaibigan upang maging isang mabuting tao.
Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na nasa ibaba:
Kahalagahan ng Kaibigan: brainly.ph/question/985321
Kahalagahan ng Pagkakaibigan: brainly.ph/question/909286
#BetterWithBrainly
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.