Answered

IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

ano ang ibig sabihin ng kinnaree?

 

Sagot :

Answer:

Ang Kinnaree ay nagmula sa Indianong alamat at Hindu mythology. Ito ay isang babaeng kahating ibon at kalahating tao na sinasabing mula sa gubat ng Himmaphan na matatagpuan sa bansang Thailand. Ang karakter ng Kinanaree ay kilala sa kasaysayan ng mga bansa sa Timog-Silangan Asya.

Explanation:

Kasaysayan ng Kinnaree

Ayon sa literatura ng Thailand, ang Kinnaree ay nagmula sa India. Ang lalaking katumbas ng Kinnaree ay Kinnon.

May iba’t-ibang karakter na katulad ng Kinnaree sa ibang bansa sa Timog-Silangan Asya:

  1. Burma – Keinnaya or Kinnaya
  2. Cambodia - Kenar
  3. India – Kinnara  
  4. Indonesia – Kinnara at Kinnari
  5. Thailand – Kinnaree  
  6. Tibet – Miamchi  

Magbasa pa tungkol sa kultura ng Timog – Silangan Asya: https://brainly.ph/question/170223

Katangian ng Kinnaree

Sinasabing ang Kinnaree ay isang napakagandang babae na may mala-anghel na kasuotan at kagandahan. Ang ibabang bahagi ng kanyang katawan ay tulad ng sa ibon, kung kaya’t sya ay nakakalipad at nakakapunta saan man nya naisin. Nakakatawid di umano ang Kinnaree mula sa mundo ng kababalaghan patungo sa mundo ng mga tao. Nakakalangoy ang Kinnaree. Itinatago nya ang kanyang pakpak at buntot at nag-aanyong normal at napakagandang babae.

Kilala ang Kinnaree sa bilis sa paglipad. Dahil dito, nakakarating sya sa mga lugar na hindi kayang puntahan ng ordinaryong nilalang.

Si Prinsesa Menorah mula sa Alamat ni Prinsesa Menorah ang pinaka-kilalang karakter na Kinnaree sa bansang Thailand.

Kilalanin si Prinsesa Menorah: https://brainly.ph/question/16400  

Magbasa pa tungkol sa literatura ng Thailand: https://brainly.ph/question/316222