Si Daruis the Great ay pinutungan ng korona ng pagkahari noong 521 BC/522 BC. Pinasimulan niya ang paggamit ng mga gintong kuwalta at pinaunlad ang kalakalan sa loob at labas ng imperyo. Pinahintulutan ni Dario na muling itayo ng mga Hudyo ang Templo ni Solomon sa Herusalem. Marami rin siyang itinayong mga templo sa Ehipto.Siya ang pinakaunang Oryental o Taga-Silangang mananakop na nakapagpaabot ng kaniyang imperyo sa Europa. Ginawa niyang isang magiting at makapangyarihang hukbong-pandagat sa Asya ang Persiya. Sinimulan at pinaunlad niya ang paggamit ng mga kuwaltang metal at pinagpare-pareho ang mga ito