IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Kahulugan ng Lakandiwa
Ang lakandiwa ay isa sa mga tauhan sa balagtasan. Ito'y binubuo ng dalawang salita, lakan at diwa. Ang kahulugan nito ay taong tagapagpakilala ng paksa na paglalabanan sa balagtasan. Ito rin ang tagapamagitan sa katwirang inilahad ng mambabalagtas tungkol sa paksa. Tagahatol rin ito sa tikas, tindig at kakayahang umakit sa mga nakikinig ng mambabalagtas.
Ano ang balagtasan?
Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Ito ay mula sa pangalan ni Francisco Balagtas. Inilalahad ng sining na ito ang saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may tugmaan. Nagsimula ito noong Abril 6, 1924. Ito ang kapanganakan ni Balagtas at tanda rin ng pag-alala sa kanya.
Mga Tauhan sa Balagtasan
Bukod sa lakandiwa, may iba pang tauhan na bumubuo sa isang balagtasan. Ang mga ito ay ang mambabalagtas at manonood. Narito ang kahulugan ng bawat isa:
- Mambabalagtas - Ito ang tawag sa taong nakikipag-balagtasan. Ito ay tumutukoy sa mga makatang lumalahok na karaniwang sumusulat ng pyesa ng balagtasan.
- Manonood - Sila ang mga tagapakinig sa lakandiwa at mambabalagtas. Ang kahusayan ng mga mambabalagtas ay masusukat sa reaksyon ng mga manonood. Ang kanilang palakpak ang nagsisilbing inspirasyon para sa kanila.
Rules sa Balagtasan:
https://brainly.ph/question/432647
#LearnWithBrainly
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.