IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Heograpiya
Ang heograpiya ay isang sistematikong pag-aaral o agham ng mga lokasyon ng mundo. Tinatalakay din sa heograpiya ang distribusyon ng likas na yaman, ang pagsusuri ukol sa mga nilalang sa ibabaw ng lupa, ang pag-aaral tungkol sa mga pook o lugar at sa lipunan kasama ang relasyon ng mga tao na nakapaligid sa kanyang kalikasan.
Ang 5 Tema ng Heograpiya
1. Lokasyon
2. Rehiyon
3. Lugar
4. Interaksyon ng tao at kapaligiran
5. Paggalaw ng tao
LOKASYON (location or position on the earth's surface)
Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar o ng isang tiyak na lugar sa ating daigdig. May tinatawag na Lokasyong Absolute na siyang tumutukoy sa isang lokasyon gamit ang mga imahinasyong linyang longhitud at latitud na bumubuo sa grid. Tanyag din ito sa mga salitang Global Location. Samantalang Relatibong Lokasyon naman ang tawag sa pagtukoy ng kinaroroonan ng isang pook gamit na batayan ang mga lokasyon o mga lugar na nasa paligid nito at mga lugar na malalapit dito. Ginagamitan din minsan ng mga bilang ng oras bago marating ang isang lugar.
REHIYON (region)
Pinag aaralan itong sadya ng mga heograper para matukoy ang hitsura at kaibahan o pagkakaiba sa mga katangiang pisikal ng isang tukoy na pook o lugar. Ang mga rehiyon ay ang mga bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakaparehang katangiang pisikal o kultural.
LUGAR (place)
Tumutukoy naman ito sa mga katangian ng natatangi sa isang lugar o pook. Tinutukoy rin nito ang mga katangiang pisikal ng mga lugar gaya ng mga anyong lupa at anyong tubig, ang klima, mga uri ng lupa, halaman o pananim, at mga nabubuhay na hayop.
Mayroong dalawang paraan ng pagtukoy ng lugar:
- Una ay ang katangian ng kinaroroonan
- Ang pangalawa ay ang katangian ng mga taong naninirahan sa lugar.
Katangian ng kinaroroonan
Tumutukoy ito sa klima, mga anyong lupa, mga anyong tubig, at pati ang mga likas na yaman sa isang lugar.
Katangian ng mga taong naninirahan
Tumutukoy sa kanilang mga wika, mga paniniwala o relihiyon, ang densidad o dami ng mga taong naninirahan dito, at mga tradisyon o kultura. Maaari ring isama ang mga sistemang political ng lugar.
INTERAKSYON NG TAO AT KAPALIGIRAN (Human and/or Environment Interactions)
Tumutukoy ito sa mga pagbabagong ginawa ng tao sa kanyang kapaligiran. Ito ay pag-alam ng kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang tinitirhan o kinaroroonan.
May iba’t ibang uri ng interaksyon sa heograpiya:
- pagsalalay o dependence
- pag-ayon o adaptation
- pagbago o modification
PAGGALAW NG TAO (movement or how humans Interact on the earth.)
Ito ay pagtukoy sa mga paggalaw o mga paglipat ng mga tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar. Ipinapaliwanag dito ang kahalagahan ng mga galaw ng tao at pinag-aaralan o sinusuri ang mga epekto ng mga paggalaw na ito sa mga lugar sa daigdig. Kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at mga likas na pangyayari. Gaya ng mga hangin, ulan, nyebe, at mga bagyo.
May mga uri ng paggalaw ng tao:
- paggalaw ng produkto at mga kalakal
- paggalaw ng impormasyon at mga ideya.
Ang impormasyon sa mga saklaw ng heograpiya ay makikita sa brainly.ph/question/119584. Ang halimbawa ng heograpiya ng Pilipinas ay makikita sa brainly.ph/question/124715. Tiyak na makikinabang tayo sa pag-aaral ng heograpiya at ang kahalagahan nito. brainly.ph/question/329494
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.