Ang duplo ay karaniwang itinatanghal sa ilalim ng isang temporaryong silungan sa harap ng tahanan ng yumao. Dalawang hilera ng mga upuan ang nakaayos sa batalan. Dito nakaupo, ang mga pangunahing karakter ng dula, ang villacas at villacos. Sa isa pang upuan sa gitna ng grupo nakaupo naman ang hari o ang duplero. Bago magsimula ang laro, ang mga karakter ay magbibilang upang ang bawat isa ay may nakalaan na numero.Ang iba pang mga karakter ng duplo ay ang fiscal, punong-abala, embahador, numero at agregado. Kapag ang duplo ay may romantikong tema, ang pagkakaayos ng mga manlalaro ay iniiba. Sila ay nakaupo sa isang bilog, kasama ang hari na nakaupo sa gitna.