Ang ibig sabihin ng salitang talusaling ay sensitibo o ang pagkakaroon ng balat-sibuyas na damdamin.
Ang mga taong may ganitong katangian ay madaling makaramdam ng lungkot o pagkabahala kapag mayroon silang narinig na bagay na gigising sa kanilang damdamin.
Madali din silang maapektuhan sa mga nangyayari sa kanilang paligid o kahit ang simpleng panonood ng kanilang paboritong telenobela ay nakakapag paiyak na sa kanila.