Makakuha ng mga payo ng eksperto at detalyadong mga sagot sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

10 halimbawa ng naganap nagaganap magaganap

Sagot :

Aspeto ng Pandiwa

Ang pandiwa ay maaaring naganap, nagaganap, o magaganap pa lamang. Ito ang tinatawag na aspeto ng pandiwa. Ito ang nagpapakita kung ang kilos ng pandiwa ay tapos na, kasalukuyang tinatapos, o tatapusin pa lamang. Bawat aspeto ay may palatandaan. Ito rin ay tintawag na panahunan ng pandiwa. Tumutukoy sa kung anong panahon ginawa ang kilos.

10 Halimbawa:

    Pandiwa        Naganap    Nagaganap    Magaganap

1. bigay          nagbigay    nagbibigay     magbibigay

2. kain             kumain      kumakain        kakain

3. dasal           nagdasal    nagdarasal    magdarasal

4. guhit           nagguhit     nagguguhit   magguguhit

5. habi            naghabi      naghahabi     maghahabi

6. iwas            umiwas       umiiwas          iiwas

7. lipat            naglipat      naglilipat         maglilipat

8. luto             nagluto       nagluluto         magluluto

9. tala             nagtala        nagtatala         magtatala

10. usap           nag - usap   nag - uusap     mag - uusap

Ano ang aspeto ng pandiwa:  https://brainly.ph/question/73927

#LearnWithBrainly