IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

mga salik na nakakaapekto sa supply

Sagot :

Ang mga salik na nakaapekto sa suplay ay teknolohiya, dami ng nagtitinda, subsidy, kagastusan, panahon/klima, at ekspektasyon.

Ang mga salik na nakaapekto sa suplay ay teknolohiya, dami ng nagtitinda, subsidy, kagastusan, panahon/klima, at ekspektasyon. Tandaan na bukod sa presyo, iyan ang mga nakaapekto sa suplay. Naaapektuhan nila ang suplay kahit hindi nagbabago ang presyo. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa suplay ay narito.

Karagdagang Detalye tungkol sa mga Salik na Nakakaapekto sa Suplay

1) Teknolohiya

  • Ang teknolohiya ang nagsasanhi ng mga makabagong pamamaraan upang makagawa ng mga suplay.
  • Paano nakakaapekto ang teknolohiya sa suplay? Dahil sa teknolohiya, napapabilis ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
  • Iyan ang paraan kung paano nakakaapekto ang teknolohiya sa pagbabago ng suplay.

2) Dami ng Nagtitinda

  • Kapag marami ang mga nagtitinda, mas marami ang suplay na maaaring pakinabangan ng mga mamimili.

3) Subsidy

  • Ang subsidy ay ang tulong na binibigay ng pamahalaan sa mga maliliit na negosyante upang tumaas ang suplay.
  • Kapag may subsidy, nahihikayat ang mga negosyante na gumawa ng suplay.

4) Kagastusan

  • Kapag tumaas ang kagastusan ng mga negosyante, maaaring bumaba ang suplay.
  • Ang halimbawa ng mga kagastusan ay buwis, gastos sa transportasyon at sahod ng mga manggagawa.

5) Panahon/Klima

  • Nakaapekto ang panahon/klima lalo na sa mga produktong pang-agrikultura.
  • Halimbawa, kapag may bagyo, nasisira ang mga pananim kaya bumababa ang suplay ng mga prutas, gulay at bigas.

6) Ekspektasyon

  • Kapag inaasahang tataas ang presyo dahil halimbawa sa mga pangyayari sa kapaligiran, ang mga prodyuser ay nagbabawas ng suplay.

Iyan ang mga detalye tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa suplay. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.

  • Ano ang ibig sabihin ng suplay? https://brainly.ph/question/423594 at https://brainly.ph/question/1756876
  • Ano ang batas ng suplay? https://brainly.ph/question/431940

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.