MGA URI NG KLIMA SA ASYA
Kanlurang Asya
- Maaaring magkaroon ng labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
- Bihira at halos 'di nakararanas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyong ito.
-Kung uulan dito ay kadalasang bumabagsak lang sa mga pook na sa dagat ay medyo malapit.
Timog Asya
- Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon sa rehiyong ito.
- Mahalumigmig kung June/Hunyo hanggang September/Setyembre pero taglamig kung December/Disyembre hanggang February/Pebrero at kung March/Marso hanggang May/Mayo, tag-init at tagtuyot.
-Nananatiling malamig dahil sa snow/niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyong ito.
Timog-Silangang Asya
- Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropikal, nakararanas lamang ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
- Hindi karaniwan ang umulan ng snow/niyebe sa mga bahaging tropikal tulad ng Pilipinas.