A. Panuto: Basahin ng mabuti. Iguhit ang hugis puso kung ang sitwasyon ay naglalahad ng paggalang sa prinsipyo at interes ng isa't isa at hugis bituin kung hindi. 1. Madalas mong ipinipilit na tama ang desisyon mo sa inyong klase. 2. Napapansin mong magkakaiba ang inyong paniniwala kaya't madalas na pinakikinggan mo sila. 3. Nakikinig ka ideya ng mga kagrupo mo kung kaya lahat ay nagkakaisa. 4. Iba-iba man ang relihiyon ng iyong mga kaibigan hindi ito hadlang para maunawaan ninyo ang isa't isa. 5. Ang mga kamag-aral mo ay tahimik na nakikinig sa ipinapahayag mong ideya tungkol sa pananampalataya sa Diyos.