Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

Ano ano ang mga naging paraan ng pamumuhay ng sinaunang eztec,Maya at Inca​

Sagot :

•ARALING PANLIPUNAN

{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}

Tanong:

  • Ano ano ang mga naging paraan ng pamumuhay ng sinaunang Aztec, Maya at Inca?

{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}

Sagot:

ANG SIBILISASYON NG MAYA:

  • Ang kabihasnang Maya ay namuhay noong 2000 BCE. Sa pagdaan ng mga taon, sila ay naging mga matagumpay na magsasaka at gumawa ng mga dakilang lungsod mula sa mga bato na may kahanga-hangang istilo.

  • Karamihan sa mga Maya ay mga magsasaka na naninirahan sa mga kubo sa mga kabundukan at nagpupunta lamang sa mga lungsod kapag namimili at may pagdiriwang na panrelihiyon.

  • Ang kabihasnang Maya ay isang sibilisasyong Mesoamerikano, na kilala dahil sa nag-iisang nalalamang nasusulat na wika sa pre-Kolumbyanong Mga Amerika, pati na ang kanyang sining,arkitektura, at mga sistemang matematiko at astronomiko. Unang nalunsad noong panahong Pre-Klasiko (sirka 2000 BK hanggang 250 AD), ayon sa kronolohiyang Mesoamerikano, maraming mga lungsod na Maya ang umabot sa kanilang pinakamataas na katayuan ng pag-unlad noong panahon ng Klasikong panahon (bandang 250 AD hanggang 900 AD), at nagpatuloy hanggang sa panahong Matapos ang Klasiko hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa Yucatán. Sa sukdulan nito, ito ang pinakamasinsing populasyon at mga lipunang may kasiglahan ang kultura sa buong mundo.

  • Namuhay ang mga taong nagsasalita ng Wikang Maya sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon. Dating mga mangangalap ng pagkain, mga maninila, at mga mangingisda ang mga Maya, bago naipakilala sa kanila ang pagsasaka ng kapit-bahay na mga tribo (hindi nalalaman ng mga arkeologo kung kailan talaga naganap ang pagpapakilala sa pagbubukid). Naniniwala silang si Yum Kaax (literal na "panginoon ng mga kagubatan"), ang diyos ng mais. Umunlad ang mga Maya bilang mga magsasaka.

  • Kaugnay ng wika, nakalikha ang mga Maya ng isang sistema ng hiroglipikong pagsusulat. Lumikha sila ng kalendaryo. Kaugnay ng mga kasangkapan, naging tagagawa sila ng mga pasong gawa sa putik. Nagtayo sila ng mabusising mga libingan, mga templo, at mga kahang yari sa bato.

ANG SIBILISASYON NG AZTEC:

Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti- unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.

· Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.Ang ekonomiya ng Aztec ay nakabatay sa pagtatanim. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak para sa buong populasyon.

Ang mga Aztec, Aztek, o Astek at Asteka sa pagsasalin, ay mga tao na Katutubong Amerikano na nanirahan sa Mehiko. Ang Imperyong Aztec, Imperyong Astek, o Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. Ilang bahagi ng kalinangang Astek ang gumamit ng mga sakripisyong tao at ang paniniwala sa mga nilalang na mitikal. Ang mga Astek ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong pangrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw.

ANG SIBILISASYON NG INCA:

  • Ang inca ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa latin amerika. matatagpuan ang kanilang imperyo sa timog na bahagi ng bundok ng andes sa pinakahilagang hangganan sa ecuador. naging kabisera nito ang cusco na sa kasalukuyan ay ang bansang peru.
  • Itinuturing na huaca o banal ng mga inca ang maraming bagay at lugar.