Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Ayon sa 1987 Konstitusyon, ang kapangyarihang lehislatibo o tagapagbatas ay ibinibigay sa Kongreso ng Pilipinas, na siyang kinabibilangan ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives).
Mayroong 24 na Senador sa Senado. Nakasaad sa batas na sila ay pawang mga inihalal ng mayoridad ng mga botante ng Pilipinas. Hindi naman hihigit sa 250 ang maaaring makabilang sa Kapulungan ng mga Kinatawan at 20% nito ay kinakailangang mga kinatawan ng mga Party-list.
Nakatakda sa konstitusyon na ang bawat Senador ay kinakailangang:
1. Mamamayang ipinanganak sa PIlipinas at may magulang na Pilipino;
2. Hindi babata sa edad na 35;
3. Marunong magbasa at magsulat;
4. Rehistrado bilang botante; at
5. Residente ng Pilipinas nang di-bababa sa 2 taon bago ang araw ng halalan.
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.