Makakuha ng mga payo ng eksperto at detalyadong mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Kapatagan
— isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at
pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
Halimbawa: Kapatagan ng Gitnang LuzonBundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. hal.Bundok Banahaw, Bundok Apo.Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling
na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay
aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang
ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at
abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.Lambak
— isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga
produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring
itanim dito.Talampas — patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito sa isang mataas na lugar.Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagatBulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.Tangos — mas maliit sa tangway.Disyerto — mainit na anyong lupakapuluan — mga grupo ng iba't ibang pulo
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.