IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
I- Panimula
Pamagat: Ang Matanda at ang Dagat
May-akda: Ernest Hemingway
Uri ng Pantikan: Realismo
Bansang Pinagmulan: Cuba
Layunin ng Akda: Layunin ng akda ay ipakita na ang pagiging matatag at pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nananaig sa anumang pangyayari.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa ng akda: Ang paksa ng kwentong ito ay tungkol sa pagkikipagtunggali ng matanda sa mga pating sa dagat.ito ay sumasalamin sa mga pagsubok sa buhay. Kung paano natin lalabanan at kakaharapin ang mga pagsubok na dumadating.
Mga Tauhan sa Akda:
Santiago- Si Santiago siya ang pinakapangunahing kuwento. Si Santiago ang tinaguriang pinakamalas na mangingisda. Tinawag nila ito bilang "salao", ang pinakamatinding uri ng kamalasan. 84 na araw na siyang hindi nakahuhuli ng isda.
Manolin- Isang aprentis si Manolin ngunit hindi na pinayagan ng kaniyang mga magulang na sumama pa kay Santiago dahil nadadamay lamang siya sa kamalasan. Ngunit s ahuli ng kuwento, muli siyang pinahintulutang sumama dito.
Ang Pating- Ang pating ay nakaingkwentro nya sa laot na tumagal ng ilang araw. Nakauwi si Santiago ng ligtas. Dahil sa pakikipagtunggaling ito, nagbago ang tingin ng mga tao kay Santiago.Tagpuan / Panahon: Ayon sa nobela, naibanggit na it ay nasa isang Cuban na nayon at nagsimula ang kwento sa karagatan kung saan mangingisda si Santiago na pursigidong makahuli ng isda.
Balangkas ng mga Pangyayari:
Simula: Si Santiago ay isang mangingisda na 84 araw nang walang nahuhuling isda. Sa kanilang paniniwala, napakatinding kamalasan nito para sa kabuhayan na tinatawag nilang “Salao.”
Kasukdulan: Ang pakikipaglaban ni Santiago sa Marlin hanggang sa ito masaksak at maitali sa gilid ng bangka. Ngunit dahil sa dugo naman ng Marlin kung kaya naakit naman ang mga pating dito. Muli ay nakipaglaban si Santiago. Sa dami man ng pating na kanyang napatay. Ngunit patuloy pa din na sinusundan sila ng iba pang mga pating. Sa huli ang marlin ay naubos din ng mga pating.
Wakas: Ang pag-uusap ni Santiago at Manolin na sila ay magsasama na muli sa pangingisda. Nang makatulog muli si Santiago siya ay nanaginip. Napanaginipan niya ang kanyang kabataan.
Kulturang Masasalamin sa Akda: Masasalamin sa kuwento ang mga katangian ni Santiago bilang isang matatag at matiyaga. Nagpatuloy sa buhay si Santiyago sa kabila ng diskriminasyon na kanyang dinanas, siya ay hindi nawalan ng pag-asa at pinilit na mangisda kung saan nasubok ang kaniyang tiyaga.
III. Pagsusuring Pangkaisipan
Mga Kaisipan / Ideang Taglay ng Akda / Mensahe -Ang mensahe ng kwento ay huwag mawalan ng pag-asa. Ang bawat tao ay pinagdadaanan ng pagsubok. Huwag sumuko sa mga pagsubok na dumarating. Maging matatag at malakas sa pagharap dito. Sa naging kalagayan ni Santiago siya ay halos mawalan na ng pag-asa ngunit siya ay naging matatag at hindi nawalan ng pag-asa sa huli nakamit din niya ang tagumpay ng isang mangingisda. Naging metatag at matiyaga siya sa pagharap ng pagsubok sa buhay.
Estilo ng Pagkakasulat ng Akda: Ang awtor ay gumamit ng pasalaysay na istilo sa nobelang ito. Isa itong kwentong maiihambing sa tunay na buhay subalit sa umpisa ng kwento ay mahirap maunawaan ng mambabasa ang nais ipahiwatig ng kwento, ngunit ng lumaon naipakita nito ang nais na maipakita ng awtor sa kwento.
IV. Buod: (Binubuo ng limang pangungusap)
Pumalaot si Santiago sa dagat upang mangisda sa pagnanais na makahuli ng maraming isda para sa kanyang pangkabuhayan. Subalit ilang araw na siang nasa dagat at wala paring siyang mahuling isda. Gusto na sanang umuwi ni Santiago subalit hindi siya sumuko at nagpatuloy hanggang sa makahuli siya ng isang malaking isdang Marlin. Subalit maraming pating ang nagtatakang kunin ang Marlin kung saan nilabanan ni Santiyago. Bagkus marami pang pating ang dumating na nilabanan ni Santiyago, nagtagumpay siya na makauwi ng ligtas.
V. Teoryang Pampanitikan
Nangingibabaw ang Teoryang Realismo dahil ipinapakita sa kuwento ang pagiging “malas” ni Santiyago kung saan halos wala na talaga siyang mahuling isda. Mahahalintulad natin ito sa kasalukuyan dahil kakaunti nalang ang mga taong pangingisda ang pangunahing pangkabuhayan dahil mas nananaig ang mga teknolohiya.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.