Tayain Natin
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Ano ang magiging epekto ng hindi maayos na kalsada, tulay, at iba pang
imprastraktura sa mga sa gawaing pangkabuhayan ng bansa?
A. Malaki ang kikitain ng mga magsasaka at mangingisda.
B. Mapapabilis ang paglago ng inaangkat na mga produkto.
C. Mapapadali ang pag-angkat ng mga produkto papunta sa iba’t-ibang bayan.
D. Napapabagal ang transportasyon ng mga produkto kung kaya’t hindi mapaabot sa merkado ang mga
sariwang gulay at isda.
2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hamon sa gawaing
pangkabuhayan ng magsasaka?
A. Paggamit ng mga makabagong teknolohiya para mapabilis ang produksiyon.
B. Limitadong pondo na pinagkaloob ng pamahalaan bilang tulong sa maliliit na magsasaka.
C. Impormasyon sa mga bagong pag-aaral at pananaliksik upang gumanda ang ani at dumami ang
produksiyon.
D. Paghikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga lupain sa kani-kanilang
mga probinsiya.
3. Paano nakatutulong ang mga oportunidad na dumarating para sa gawaing pangkabuhayan ng bansa?
A. Lumalaki ang mga produktong agrikultural ng bansa.
B. Nakakaiwas sa mga sakunang dumarating sa bansa.
C. Pagdami ng angkat na produkto ng magsasaka at mangingisda.
D. Nakapagbibigay ng pagkakataon upang lalong mapaunlad ang mga gawaing pangkabuhayan at
ekonomiya ng bansa.
4. Alin sa mga pangungusap ang maituturing na isa sa matinding hamon na
nararanasan ng ating mga mangingisda?
A. Pagkakaroon ng makabagong kagamitan sa pangingisda.
B. Pagkakaroon ng climate change o pagbabago ng klima sa mundo.
C. Pagpapatayo ng planta ng yelo para imbakan ng mga nahuling isda.
D. Paglunsad ng mga programang nakatutulong sa industriya ng mga mangingisda.
5. Ang pagbabago ng klima at iba pang likas na pangyayari tulad ng kalamidad at El Niño Phenomenon ay
kabilang sa mga hamon sa gawaing pangkabuhayan. Ano ang ibig ipakahulugan nito?
A. Malaki ang epekto ng kalikasan sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
B. Dapat puro oportunidad na lamang ang iisipin ng mga magsasaka at mangingisda.
C. Maraming hinaharap na hamon at oportunidad ang mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
D. Kailangan ng mga magsasaka at mangingisda na maging matatag sa pagharap ng mga pagsubok
dahil aasahang marami pang darating na iba pang mga hamon.