Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

anu ano ang 5 karagatan ng daigdig

 

Sagot :

Karagatan ng Daigdig

Ang limang karagatan sa daigdig ay ang:

  • Indian Ocean O Karagatang Indiyano
  • Pacific Ocean o Karagatang Pasipiko
  • Southern Ocean o Katimugang Karagatan
  • Atlantic Ocean o Karagatang Atlantiko
  • Arctic Ocean o Karagatang Arktiko

Indian Ocean

Ang Karagatang Indiyano ay ang pangatlong pinakamalaki sa mga pagkakahati ng karagatan sa mundo, na sinasakop ang mga 20% ng tubig sa ibabaw ng daigdig. Halos 10,000 kilometro (6,200 milya) ang lawak ng karagatang ito sa mga katimugang dulo ng Africa at Australia. Tingnan din ang topograpiya ng Indian Ocean sa link na ito: https://brainly.ph/question/1173951.

Pacific Ocean

Ang Karagatang Pasipiko ay ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig. Sakop nito ang halos katluang bahagi ng kalupaan sa daigdig. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Asya at Australia, sa kanluran ng America sa silangan, sa timog ay ang Southern Ocean at sa kahilagahan ay ang Arctic Ocean.

Southern Ocean

Ang Katimugang Karagatan, kilala din bilang Dakilang Katimugang Karagatan, ang Karagatang Antartiko at ang Timog Polar na Karagatan, ay binubuo ng pinakatimog na mga tubig ng karagatan ng mundo na nasa timog ng 60° T latitud.

Atlantic Ocean

Ang Karagatang Atlantiko ay ang pangalawang pinakamalaking karagatan na sinasakop ang tinatayang 20 bahagdan ng ibabaw ng daigdig. Mababasa mo sa link na ito ang lupa na nakakasakop dito: https://brainly.ph/question/1691541.

Arctic Ocean

Ang Karagatang Arktiko ay ang pinakamaliit at ang pinakamababaw sa mga limang karagatan ng mundo. Paano naiiba ang Arctic glaze cap, Arctic methane at oceanification? Basahin din ang link na ito: https://brainly.ph/question/1603486.

Mga Larawan

Mauunawaan mo ang lawak ng limang karagatan ng daigdig kapag sinuri mo sila sa globo. Mapapansin mong napakalaki ng kanilang sukat at pagkakabaha-bahagi sa lupain.

  1. Sa unang larawan, makikita mo ang globo at ang kinalalagyan ng limang karagatan ng daigdig.
  2. Ilan pang impormasyon tungkol sa Pacific Ocean.
  3. Ang kakaibang tanawin sa Arctic Ocean. Tinatawag itong Aurora Borealis.

View image HoTsaKi
View image HoTsaKi
View image HoTsaKi