IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Mayroong dalawang uri ng kilos ng tao. Ito ay ang: kilos ng tao at makataong kilos. Ang kilos ng tao ay tumutukoy sa mga natural na kilos na nagaganap sa katawan ng tao na hindi kinakailangan ng pag-iisip. Sa kabilang banda, ang makataong kilos naman ay ginagamitan ng pagpili, pag-iisip, pananagutan at pagsusuri ng konsensiya.
Dalawang Uri ng Kilos ng Tao
Ang dalawang uri ng kilos ng tao ay ang mga sumusunod:
- Kilos ng tao
- Makataong kilos
Kilos ng tao
- Ang kilos ng tao ay kilala rin bilang "Act of Man" sa wikang Ingles.
- Ang kilos ng tao ay tumutukoy sa anumang kilos na natural at likas na sa katawan ng tao.
- Hindi na ginagamitan ng isip ang mga kilos ng tao.
- Wala ring mabuti o masama pagdating sa kilos ng tao.
- Ang halimbawa nito ay ang paghinga, pagkurap ng mata, pagtibok ng puso, at iba pa.
Makataong Kilos
- Ang makataong kilos ay kilala rin bilang "Human Act" sa wikang Ingles.
- Ito ay ginagamitan ng pagkukusa, kalayaan, pag-iisip at kaalaman.
- Dahil dito, ang anumang makataong kilos ay may kaakibat na responsibilidad at pananagutan.
Iyan ang mga detalye tungkol sa dalawang uri ng kilos ng tao. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:
- Pagkakaiba ng kilos ng tao sa makataong kilos: https://brainly.ph/question/426011
- Halimbawa ng pagiging makatao: https://brainly.ph/question/879380 at https://brainly.ph/question/127077
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.