Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Ang kwento ni Paco at Pinky.
Katanungan:
1. Bakit mahalaga ang panagutan ang pangakong binitawan?
Sagot: Mahalaga ito dahil gaya sa kwento, mayroong mga taong naniniwala at umaasa sa pangakong binitawan.
Katanungan:
2. Ano-ano ang mga kilos o gawain na nagpapakita ng pagiging responsable o iresponsable?
Sagot: Ang pagiging responsable ay ang pagtupad at paggawa sa anumang bagay na ating pananagutan. Ang pagiging irresponsable ay ang paggawa ng isang bagay o hakbang na magbibigay ng hindi kaaya-ayang resulta.
Katanungan:
3. Ano-ano ang mga hakbang upang mapanatili ang pagiging responsable?
Sagot: Huwag kalimutan at huwag ibaling ang sarili sa mga aktibidad na walang kabuluhan. Gawin at tapusin ang prayoridad bago gumawa ng ibang gawain tulad ng paglalaro.
Katanungan:
4. Pano tayo naaapektuhan ng mga di-mabuting dulot ng pagiging iresponsable?
Sagot: Maaring tayo ay malungkot, madismaya o magkaroon ng galit sa ating puso. Maapektuhan din nito ang relasyon natin sa isang taong hindi tumupad ng pangako.
Katanungan:
5. Ano ang mga dapat gawin kung ikaw ay di makatupad sa iyong pangako?
Sagot: Kung hindi natin natupad ang ating pangako, nararapat lamang na tayo ay humingi ng tawad sa taong ating napangakuan. Dapat din natin alalahanin at tanggapin na tayo ang nagkamali at huwag gumawa ng kasinungalingan upang pagtakpan ang nagawang kamalian.
Katanungan:
6. Naging responsable ba si Paco? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Sagot: Batay sa kwentong nabasa, hindi naging responsable si Paco. Siya ay nangako na tutulungan niya si Pinky sa kanyang proyeoyekto ngunit ito ay kinalimutan ni Paco.
#BRAINLYEVERYDAY
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.