IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Wikang English
- Sapilitan ang pag-aaral ng wikang ito. Ito ang ginamit na wikang panturo sa lahat ng mga paaralan.Ang dating mga pangalang Espanyol tulad ng Pedro, Juan, Maria, Tomas, Jose at iba pa ay nagingPeter, John, Mary,Tom, Joe at iba pa. Maging ang mga paraan ng pagbati at katawagan ay naging English tulad ng Helloat Bless po. Ang Inang ay naging Mommy at ang Amang ay naging Daddy.
Panitikan
- Sumilang ang isang bagong anyo ng panitikan na nasusulat sa wikang English kahit panga naglalahad ngmga saloobin at adhikaing Pilipino. Ang unang makatang Pilipino sa wikang English na tumanyag ay siFernandoMaramag. Ang unang nobelang English ay isinulat ni Zoilo M. Galang noong 1921. Ang una namangsumikat namamamahayag sa English ay si Carlos P. Romulo
Teatro
- Pinalitan ng zarzuela ang moro-moro ng mga Espanyol. Si Severino Reyes, may-akda ngwalang kamatayangWalang Sugat, ang pangunahing manunulat ng mga dulang pantanghalan. Ang panahon mula 1905-1930 angginintuang panahon ng zarzuelang Pilipino. Ngunit nang mauso ang pelikula mula sa Hollywood, unti-unting namatayang zarzuela at nahilig ang mga tao sa panonood ng pelikulang English.
Sining
- Umunlad din ang sining ng arkitektura, iskultura at pagpipinta. Sikat na mga arkitekto noon sina Juan F. Nakpil,Andres Luna de San Pedro, M. Arellano at Pablo S. Antonio. Sa larangan ng pagpipinta, natanyag siFabian dela Rosa,pinakadakilang pintor ng panahon ng Amerikano, gayundin sina Fernando Amorsolo, Emilio Alvero atVictor C. Edades.
Pananamit at Pagkain
- Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng mga pantalong may sinturon at suspender, kurbataat polo shirt.Ang mga kababaihan ay natutong magsuot ng maiikling damit, palda at blusa, sapatos namay mataas natakong at manipis na medyas. Natuto rin silang maglagay ng make up. Natuto ang mga Pilipino nakumain ng sandwich,hamburger, hotdog, bacon, oatmeal, beef steak, ice cream, hamon at keso. Natuto silang gumamit ngmayonnaise attomato catsusp bilang panangkap sa mga pagkain.
Libangan, Musika at Sayaw
- Natutunan ng mga Pilipino ang paglalaro ng basketball, baseball, football, boxing, tennis atpoker. Naging bahagi ang pakikinig ng radyo, pagbabasa ng mga klasikong aklat at pagtungo sa mgakarnabal.Nakagiliwan naman ang tugtuging jazz at swing gayundin ang mga sayaw na boogie-woogie, fox-trot, charleston, at rhumba.
Explanation:
summarize mo nalang po.
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Sama-sama nating palawakin ang ating komunidad ng karunungan at pagkatuto. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!