IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

ano ang kahulugan ng demand, demand function, demand schedule, demand curve at batas ng demand?

Sagot :

Ano ang kahulugan ng demand, demand function, demand schedule, demand curve at batas ng demand?

Ang kahulugan ng demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o paglilingkod na gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa isang takdang presyo. Ito rin ay tumtukoy sa dami ng konsyumer na gustong bumili ng produkto at mga serbisyo sa super market at palengke. Ang demand ay bumaba kung marami ang supply at bumaba naman ang ibang salik katulad ng presyo.

Ang kahulugan ng demand function ay isang matematikong pagpapakita o paglalahad sa ugnayan ng presyo at quantity demanded sa pamamagitan ng fomula (Qd). Qd = a – bP na kung saan ang “QD” ay ang dami ng demand, ang” a “ay dami ng demand kung ang presyo ay zero at ang (-b) ay slope ng demand function samantalang ang P ay presyo.

Ang kahulugan ng demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang presyo. Halimbawa mas marami ang mabili ng isang konsyumer kong ang presyo ng isang tinapay ay 5 piso  kumpara sa tinapay na nagkakahalaga ng 7 piso.  

Ang kahulugan ng demand curve ay ang grapikong paglalarawan na nagpapakita ng magkasalungat na relasyon sa pagitan ng presyo ng isang produkto at quantity demanded para rito. Ito rin ay isang pamamaraan ng paglalahad ng mga datos kung papaanu ito gumagalaw at nakakaapekto sa isat isa.

Ang kahulugan ng batas ng demand ay mayroong magkasalungat (inverse) na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Na kung saan pag tumaas ang demand tumaas din ang presyo ng mga bilihin, pag bumaba ang demand bumaba din ang presyo ng mga bilihin.

Mga Salik na nakakaapekto sa demand .

  1. Ekspetasyon o inaasahan.
  2. Pagdami ng maimili o Populasyon.
  3. Kita ng tao.
  4. Kagustuhan o panlasa .
  5. Okasyon.

Mga uri ng Elastisidad ng Demand .

  • Elastik – kung ang pagbabago ay higit sa isa.halimbawa Kapag nagmahal ang mga inuming “in-can” , bibili o kokunsumo na lang ng inuming tubig.
  • Di – Elastik - kung ang pagbabago ay maliit sa isa. Halimbawa  Mga pangunahing bilihin tulad ng mga gulay,karne at mga pampalasa.
  • Unitary - ang pagbabago ay eksaktong isa. Halimbawa Kayang tumbasan ng pagbaba ng demand ng mamimili ang anumang pagtaas ng presyo sa mga produktong tulad ng mga sitsirya,kendi at mga damit pambata.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa demand pumanta lang sa mga links sa ibaba:

https://brainly.ph/question/1880800

https://brainly.ph/question/1816161

https://brainly.ph/question/2061320

https://brainly.ph/question/551366