Makakuha ng eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

Kagamitan na ginagamit sa pagtatanim ng halamang ornamental

Sagot :

Answer:

Mga Karaniwang Kagamitan at Kasangkapan sa Paghahalaman na ginagamit sa pagtatanim ng halamang ornamental

1. Asarol – Pambungkal ng lupa.

2. Piko – Panghukay ng matigas na lupa.

3. Kalaykay – Ginagamit sa pagpapantay ng lupa at paghihiwalay ng bato sa lupa.

4. Tinidor – Pandurog ng malalaking kimpal ng lupa.

5. Trowel – Ginagamit sa paglilipat ng punla, pagpapaluwag ng lupa at pagtatabon sa puno.

6. Itak – Pamutol sa mga sanga at puno ng malalaking halaman.

7. Bareta – Ginagamit sa paghuhukay ng malalaking bato at tuod ng kahoy.

8. Karet – Pamputol ng mataas na damo.

9. Palakol – Pamputol ng mlalaking kahoy.

10. Pala – Ginagamit sa paglilipat ng lupa

11. Regadera – Ginagamit na pandilig sa mga halaman.

12. Timba – Panghakot ng tubig na pandilig.

13. Kartilya – Lalagyan at panghakot ng lupa at kagamitan.

14. Kahong Kahoy – Lalagyan at panghakot ng lupa.

15. Dulos – Pantanggal ng damo sa halamanan at pampaluwag sa lupa.

Explanation:

A favor to mark me Brianliest