Ang Batang Matulungin Sa loob ng silid-aralan, abala ang mga bata sa isang gawain na ibinigay ng kanilang guro. Napansin ni Albert si Mario, ang bago niyang kaklase na isang miyembro ng pangkat etnikong Tagakaolo na mula pa sa barangay Pinalpalan sa bayan ng Malita, Davao Occidental. Hindi mapakali si Mario sa kaniyang inuupuan dahil wala siyang dalang kagamitan tulad ng lapis, pandikit, gunting, at papel. Nagmamadali si Albert na tumayo at pinahiram niya ang kaniyang kaklase na si Mario ng apis, pandikit, gunting, at papel. Nagpasalamat at naging maligaya si Mario sa ginawa ni Albert. Doon nagsimula ang anilang pagiging matalik na magkaibigan.1.ano ang pagkakaiba ni albert kay mario?
2.ano ang nararamdaman ni mario habang ginagawa ng buong kkase ang ibinigay na gawain ng kanilang guro?
3.kung ikaw ang nasa sitwasyon ni nario,ano ang iyong gagawin?
4.naranasan mo na ba ang ginawa ni albert?ano ang iyong ginawa?
5.paano ipinakita ni albert kay mario ang kaniyang pagmamalasakit?