Bilugan ang mga salitang ginamit sa pagpapahayag ng damdamin at pangyayari sa binasang dagli – “Ako Po’y Pitong Taong Gulang”
11. Noon po ay ibinigay ako ng aking mahirap na magulang sa isang mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.
12. Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas singko ng umaga.
13. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo.
14. Medyo nahuli nga po ako ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.
15. Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak.
16. Sumunod po, tumutulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng pamilya.
17. Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit.
18. Kagabi po ay sa labas ako natulog.
19. Kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng bahay.
20. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong sumulat nito.