_______1. Tawag sa lupang sinakop at pinangasiwaan ng isang malakas na bansa.
a. Kolonya b. kolonyalismo c. bansa d. kanluranin
_______2. Tawag sa mga pamayanan na naaabot ng tunog ng kampana ng simbahan.
a. Enonmienda b. kabisera c. pueblo d. reduccion
_______3. Pondong mula sa Mexico na ipinadadala sa Pilipinas upang matugunan ang pangangailangan ng kolonya.
a. Real situado b. tribute c. falla d. reales
_______4. Sinisimbolo ng kayamanan ang layuning ito ng Spain sa pagtuklas at pagsakop ng bagong lupain.
a. Maipalaganap ang Kristiyanismo c. Makamit ang karangalan ng bansa.
b. Makakuha ng mga likas na yaman d. Mapaunlad ang ekonomiya ng kolonya
_______5. Maliban sa Kristiyanismo, ginamit din ng mga Espanyol ang espada upang mapasailalaim sa kanilang
kapangyarihan ang mga Filipino. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Paggawa ng espada ang pangunahing hanapbuhay ng mga Espanyol sa Pilipinas.
b. Itinuro ng mgaEspanyol ang paggamit ng espada bilang isang uri ng pampalakasan.
c. Pinalaganap ng mga Espanyol ang Kristiyanismo at nagpatupad ng mga patakarang pananakop sa
Pilipinas gamit ang dahas.
d. Ang mga Espanyol ay nagsama ng mga misyonero sa kanilang ekspedisyon sa Pilipinas.
_______6. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa paraan ng pagpapasailalim ng mga
Espanyol sa Pilipinas.
a. Pinagsama-sama ang kanilang tirahan sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
b. Ipinatupad ang paniningil ng tribute upang may magamit sa pangangailangan ng kolonya.
c. Pinangasiwaan ng encomendero ang katutubong nagpasakop na sa Spain.
_______7. Ang Pilipinas ay tuwirang napasailalaim sa Espanya noong 1565. Ano ang tawag sa Pilipinas noon?
a. Kolonya b. kolonyalismo c. bansa d. kanluranin
_______8. Alin ang hinddi naging bunga ng ekspedisyon ni Magellan?
a. Napatunayang bilog ang mundo
b. Maraming lupain ang natuklasan
c. Napatunayang mararating ang silangang bahagi ng daigdig sa paglalayag pakanluran
d. Pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
_______9. Ano ang ibig sabihin ng pagsasanduguan nina Humabon at Magellan?
a. Nais ni Humabon na magpabinyag sa Kristiyanismo
b. Nagsabwatan sina Magellan at Humabon laban kay Lapu-Lapu
c. Sinimulan ni Humabon ang ritwal ng sanduguan kay Magellan.
d. Naging magkaalyado sina Humabon at Magellan.
______10. Ano ang patunay na may mga katutubong Filipinong naging magiliw sa pagdating ng mga Espanyol sa
kanilang pamayanan.
a. Sapilitang sumunod ang mga katutubo sa mga patakarang pananakop na ipinatupad ng mga Espanyol.
b. Dinalhan ng mga pagkain at inumin ng mga katutubo ang mga tauhan ni Magellan.
c. Ninakawan ng bangka ang mga Espanyol sa Guam
d. Maraming katutubo ang nag-alsa laban sa mga Espanyol
______11. Ano ang nagpapatunay na ang sistema ng pagbubuwis noong panahong kolonyal ay patuloy paring
ipinatutupad sa kasalukuyan?
a. Reales pa rin ang gamit sa pananalapi ng mga Filipino ngayon
b. Walang paninigil ng tributo sa kasalukuyan.
c. Mayroon pa ring cedula personal ang mga Filipino ngayon.
d. Paghihinalaan kang tulisan kung wala kang maipakikitang cedula personal.
______12. Patuloy na naging maimpluwensya ang Kristiyanismo sa pamumuhay ng mga Filipino. Alin sa mga
sumusunod ang mga paniniwala o tradisyon ang nanatili pa rin sa kasalukuyan?
a. Ang mga paring Espanyol ang may hawk ng mga posisyon sa simbahan.
b. Ang mga tao ay walang Kalayaan ipahayag ang kanilang mga paniniwala.
c. Ipinagdiriwang ang mga kapistahan bilang parangal sa patron ng isang lugar.
d. Patuloy na maghihirap ang mga taong hindi nabinyagan sa Kristiyanismo.
______13. Alin sa mga sumusunod ang patuloy na gampanin ng mga pari sa kasalukuyan?
a. Pagiging inspector sa aspektong pang-edukasyon at pang-kalusugan
b. Tagapaningil ng buwis sa mga mamamayan.
c. Maaaring maging kapalit sa mga opisyal ng pamahalaan.
d. Tagapagturo ng mga aral at katuruan ng simbahan.
______14. Ano ang hindi mabuting epekto ng sapilitang paggawa sa mga Filipino noong panahon ng Espanyol?
a. Ang Laws of Indies ay nagbigay proteksyon sa mga polista
b. Maraming kalsada ang tulay ang naipagawa dahil sa polo y servicio
c. Nahiwalay ang mga polista sa kanilang pamilya dahil sa paggawa sa malayong lugar
d. Pinagdadala ang mga Filipino ng materyales sa paggawa ng kalsada.
______15. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
1. Si Magellan sa Cebu
2. Labanan sa Mactan
3. Tagumpay ni Legaspi sa Maynila
4. Unang misa
a. 4321 b. 4213 c. 4123 d. 4132