____6.Ang mga sumusunod ay kaugaliang Kristiyano na itinuro ng mga misyonerong
prayle maliban sa isa. Alin ang hindi kasama dito?
a.pag-aaral sa doktrina ng simbahan
b.pagdarasal ng rosary at orasyon
c.pagsamba sa mga diyos at diyosa ng kalikasan
d.pagbibinyag sa Kristiyanismo at pagpapakasal
____7.Maliban sa Kristiyanismo, ginagamit din ng mga Espanyol ang espada upang
mapasailalim sa kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino. Ano ang ibig sabihin nito?
a.paggawa ng espada ang unang hanapbuhay ng mga Espanyol sa Pilipinas
b.itinuro ng mga Espanyol ang paggamit ng espada
c. nagsama ng mga misyonero ang mga Espanyol sa kanilang ekspedisyon sa
Pilipinas
d.pinalaganap ng mga Espanyol ang kristiyanismo at nagpatupad ng mga
patakarang pananakop sa Pilipinas gamit dahas
____8.Bakit nabigo ang mga katutubong Pilipino sa pagpigil ng mga dayuhang Espanyol
na sakupin ang kanilang mga pamayanan?
a.ginagamit ng mga Espanyol ang Divide and Rule upang sakupin ang Pilipinas
b.takot ang mga katutubong lumaban sa Espanyol
c.hindi marunong gumamit ng sandata ang mga katutubo
d.marami ang mga Espanyol kompara sa mga katutubo
_____9.Alin sa mga sumusunod ang patuloy paring gampanin ng mga pari sa
kasalukuyan?
a.tagapaningil ng buwis sa mga mamamayan
b.maaaring maging kapalit sa mga opisyal ng pamahalaan
c.inspektor sa aspektong pang – edukasyon at pangkalusugan
d. tagapagturo ng mga aral at katuruan ng simbahan
_____10.Patuloy at naging maimpluwesya ang kristiyanismo sa pamumuhay ng mga
Pilipino.Alin sa sumusunod na paniniwala o tradisyon ang nananatili pa rin hanggang
ngayon?
a. mga paring Espanyol ang hawak sa simbahan
b. walang kalayaan ang mga tao na mamili ng kanilang gustong relihiyon
c. pagtuloy paring naghihirap ang mga taong hindi nabibinyagan
d. ipinagdiriwang ang mga kapistahan bilang parangal sa patron ng isang lugar