Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ito ang pinalawig na pagdiriwang ng Linggo ng Wika na pinalawig noong Enero 15, 1997 sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Kadalasang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa mga paaralan. Kaugnay nito, maraming mga kaganapan ang ginagawa upang ipagdiwang ito, gaya ng sabayang pagbigkas, balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay pagbigkas ng mga tula, pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng mga katutubong awit.