IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

kasing kahulugan ng masikhay

Sagot :

Kasingkahulugan ng Masikhay

Ang salitang masikhay ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na sikhay. Inilalarawan nito ang taong may determinasyon sa buhay. Ito ay tumutukoy sa tao na hindi tumitigil upang makamit ang pangarap. Ang kasingkahulugan ng masikhay ay masipag, masigasig, masinop o masikap. Sa Ingles, ito ay diligent o hardworking.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin sa pangungusap ang salitang masikhay upang mas maunawaan ito. Narito ang halimbawa:

  • Masikhay na magsasaka si Mang Roger kaya naman napagtapos niya ang kanyang dalawang anak.

  • Si Aurora ang nangunguna sa kanilang klase dahil siya ay masikhay sa pag-aaral.

  • Matalino at masikhay ang mga trabahador niya kaya naman mabilis lumago ang kanyang kumpanya.

Mga Salitang Magkasingkahulugan:

brainly.ph/question/8742923

brainly.ph/question/6040119

#LearnWithBrainly