IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

buod ng ang matanda at ang dagat

Sagot :

Ang Matanda At Ang Dagat

Akda ni Ernest Hemingway

Isinalin sa Filipino Ni Jose Manuel Santiago

Narito ang buod ng kwentong “Ang Matanda At Ang Dagat”  Sa loob ng 84 araw na pagpalaot ni Santiago ay wala siyang nahuling isda. Sa kanilang lugar ang pangyayaring ito ay itinuturing na “Salao” ang pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan sa pagpalaot sa dagat. Kung kaya ang mga magulang ng kanyang aprentis na si Manolin ay pinagbawalan na itong sumama sa kanya. Nang ika 85 na araw ng kanyang kamalasan na pangingisda siya ay nagtungo sa Gulf Stream gamit ang mga pain niya sa pangingisda siya ay nakahuli ng isang Napakalaking Marlin ngunit lubhang napakalaki nito kung kaya hindi niya ito maiakyat sa kanyang bangka. Sa loob ng  tatlong araw siya ay patuloy na nakipagbuno sa Marlin hanggang sa ito ay kanyang nasaksak gamit ang kanyang salapang. Itinali niya ang Marlin sa gilid ng kanyang bangka. Ang dugo ng Marlin ay nakatawag ng pansin ng mga pating.  Ang ilan sa mga pating ay kanyang napatay ngunit halos naubos na ng mga pating ang Marlin. Nakarating si Santiago sa baybayin bago magliwanag. Umuwi siya ng kanyang bahay pagdating doon ay mabilis na nakatulog ng mahimbing.

Nakita ng mga mangingisda ang Marlin na nahuli ni Santiago, nagkagulo ang mga ito. Inakala ng mga turista sa Cafe na ang kanayang nahuli ay isang pating. Ang kanyang aprentis na si Manolin ay nag-aalala kay Santiago kung kaya agad niya itong pinuntahan sa bahay nito. Ito ay naiiyak ng makitang siya ay ligtas at natutulog lamang si Santiago. Nang magising si Santiago, sila ay nag- usap  nag-usap at nangako na sila sa isat-isa na sila ay magkasama ng mangingisda simula sa araw na iyon. Sa muling pagtulog ni Santiago siya ay nanaginip, ang kanyang kabataan.

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

https://brainly.ph/question/1828702

https://brainly.ph/question/978996

https://brainly.ph/question/1824086