Kapag ang isang tao ay nagkakaroon ng kasanayan sa isang bagay, masasabi nating nagiging bihasa siya o nagiing magaling. Katulad ng nangyari sa mga sinaunang asyano, nanirahan sila sa mga lambak at ilog.Nalinang nila ang pamumuhay tulad ng pangingisda at pagsasaka dahil sa kapaligiran na kanilang permanenteng tirahan. Kinasanayan na nila ang pangingisda at pagsasaka at ito ang nagsilbing pang araw-araw nilang hanapbuhay. Dahil dito nabuo ng konsepto ng kabihasnan na pamumuhay na nakasanayan at nakagawian.