IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

bakit mayroong batas?

Sagot :

Answer:

Batas

Ang batas ay mga utos o mga patakaran na nangangailang sundin ng mamamayan para makamit ang kabutihang panlahat. Ito ay makatarungang prinsipyong gumagabay sa kilos ng tao sa kanyang pakikisalamuha sa lipunang kanyang kinabibilangan.

Bakit mayroong batas?

  • Ang batas ay nagsisilbing instrumento ng Panginoon upang mapangasiwaan ang pamahalaan na inaasahan ng lipunan na magsasabuhay sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan.  
  • Ang batas ay tuntunin na ginawa at ipinatupad ng pamahalaan para sundin ng mga tao at ng mamamayan.  
  • Ang batas ay pinagbabatayan ng anumang kautusan, desisyon o programa na ipinatutupad ng gobyerno o ng pamahalaan.  
  • Nagagawa ng batas na mapangalagaan at maproteksyunan ang ating mga karapatan.  
  • Nagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.  
  • Nagiging ligtas ang bawat isa.  
  • Ginagarantiyahan ng batas ang pagkakaloob ng mga benepisyo sa mga mamamayan.  

Mga posibleng mangyari kung ang tao ay hindi susunod sa Batas

  • Maaring maparusahan ang mga taong hindi susunod sa batas, dahil ang hindi pagsunod sa batas ay may kaakibat na kaparusahan.
  • Maaring makulong ang isang taong susuway at hindi susunod sa batas.
  • Maaring walang pag-unlad ang isang bansa kung ang mga tao ay hindi sumusunod sa mga ipinatutupad na mga batas at patakaran.
  • Walang pagkakaisa at pagtutulungan ang isang lipunan kung ang mga mamamayan ay hindi sumusunod at susuway sa mga batas na ipinatutupad.
  • Maaring gumawa ng hindi mabuting hakbang ang pamahalaan na maaring ikapahamak at ikasama ng mamamayan kung patuloy ang hindi pagsunod sa batas.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na nasa ibaba;

Kahulugan ng Batas: brainly.ph/question/1505378

Layunin ng Batas: brainly.ph/question/416485

#BetterWithBrainly