Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Answer:
Katangiang matatagpuan sa isang makabuluhan at mabuting pakikipagugnayan sa kapwa
Pakikipagtulungan
Ang pagtulong sa kapwa ay maituturing na isang gawain na nagpapakita ng kabutihang panlahat. Dito mahuhubog ang ating pagmamahal sa ating kapwa ng walang hinihinging kapalit o kahit na anumang bagay na katumbas ng ating pagtulong.
Sa ating pagtulong sa kapwa, nagiging isang mabuti tayong tao na pinahahalagahan ang mga turo ng Diyos na mahalin ang ating kapwa. Lalo na sa kasalukuyang panahon na dumaranas tayo ng pandemya at mga kalamidad, kailangan natin ang tulong ng bawat isa upang malutas at masolusyunan natin ang lahat ng mga problema at pagsubok na ating hinaharap. Huwag din nating piliin ang mga taong ating tutulungan, bagkus kahit kilala man natin sila o hindi at nangangailangan sila ng ating tulong huwag tayong magdalawang isip na alalayan at tulungan sila.
Ang pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa ay hindi dapat naghihintay ng kapalit dahil kusa mong loob na ginawa ito, at bukal sa loob mo ang pag-aalay ng pagtulong sa iyong kapwa. Kaya kapag ikaw ay nagmamalasakit at tumutulong sa isang tao, nararapat na huwag ng maghihintay pa ng anumang kapalit sapagkat sa ginawa mo pa lang na pagtulong, may kapalit na ang iyong ginawang kabutihan at ito ay ang kinalugdan at kinatuwaan ka ng Diyos.
Sa pamamagitan nito dito mas mahuhubog at mapapaunlad ang ating pagkatao. Nangingibabaw ang paggawa natin ng kabutihan para sa ibang tao. Nahuhubog ang ating pagkatao sa pamamagitan ng alaging pagpili ng paggawa ng tama para sa ating kapwa.
Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa link na:
Kahalagahan ng pagtulong sa kapwa: brainly.ph/question/2078566 ,
brainly.ph/question/516149
#LetsStudy
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.