IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

ayon sa " KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte "  ano ang naging mensahe nito ?? at ano ang sinasabi ng tula sa kultura .. ? ?

plxx .. pkisagot .. 

Sagot :

KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan

Ang "Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte ay masining na pagpapahayag ng pinagmulan ng kultura, ang mga ipinaglaban at napagtagumpayan ng mga sinaunang tao o katutubo, at ang kultura sa mundo bilang bunga ng matagal na panahong pakikibaka sa patuloy at nagbabago-bagong panahon.

Dito, sinabi na bilang regalo naman ng kasalukuyan, ang kultura ay patuloy na pinaaasenso at ginagamit habang pinapahalagahan ng mga tao. Nakalagay rin na ang kultura bilang buhay ng kinabukasan. Ito na ang maaaring sagot sa naghahanap ng “ang pamana ng nakaraan ni pat villafuerte buod”.

Narito ang ilang halaw mula sa KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan:

 

"NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,  

isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan

gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo

gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak

kaunti man o marami ang mga paang humahakbang

mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy

ang bawat paghakbang ay may patutunguhan."  

"NGAYON, sapanahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,

binhing nakatanim ang maraming kulturang

nag-uumapaw sa ating diwa

nagbabanyos sa ating damdamin

nag-aakyat sa ating kaluluwa

sinubok ng maraming taon

inalay sa mga bagong sibol ng panahon

anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian

ang kultura’y pinayayabong

nang may halong sigla at tuwa,

nang may kasalong pagsubok at paghamon "

"BUKAS, angkulturang itinudla ng nakaraan

at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan

at mananatiling repleksyon ng kabutihan

kulturang gagalang sa mga bata’t matanda

kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan

kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran

kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw

katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan

diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika

magkakapantay sa kalayaan at karapatan. "  

Paliwanag sa KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan:

Ang Kultura ay pamana ng nakaraan dahil nangyari o nabuo ito noong sinaunang panahon at ginugulan ng mga taong sinauna. Ang mga taong ito ay ang ating mga ninuno at ang ating mga pinagmulan. Tinatalima natin ang kung ano-ano ang mayroon tayo noon at ngayon dahil ginampanan nilang lumikha, mabuhay, at makaligtas para magkaroon pa ng maraming henerasyon.

Regalo ng kasalukyan ang Kultura dahil patuloy-tuloy tayong natuto sa kanilang mga galing, kahusayan at mga pamanang karunungan. Sa bawat galaw din natin sa araw-araw at habang binubuhay natin ang ating mga tradisyon, nagtutuloy-tuloy ang ating kultura na siyang nagpapakulay ng ating mga buhay. Ang mga regalo na napakikinabangan natin sa pang-araw-araw na buhay ay ang Sining, Medisina, Siyensa at Astrolohiya, Estratehiya sa politikal at sosyal na buhay, Teknolohiya, at Pangangalakal.

Buhay ng kinabukasan ang kultura dahil kung ‘di natin matututunan at ‘di pahahalagahan ang ating kultura na ipinamana at iniregalo para sa ating henerasyon at mga darating pang henerasyon, ‘di tayo magkakaroon ng kinabukasan. Halos lahat ng ating galaw at mga produkto ay hinuha sa kultura natin.  

Tingnan kung ano ang ibig sabihin ng kultura o iba pang kahulugan ng kultura sa mga link na ito:

  • brainly.ph/question/74630
  • brainly.ph/question/228919

At para sa hinahanap ang Anung uri na tula? ayon sa layon " KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte, tingnan ang link na ito

  • brainly.ph/question/164929