Ang ilang halimbawa nito ay ang Shang, Sumer, at Indus. Kinikilala na ang Mesopotamia ang unang kabihasnang umusbong sa Daigdig. At pagkatpos nito ay nagsulputan na rin ang mga iba pang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay tinatawag na Iraq ngayon. Marami ring mga bansa at lalawigang iniba na ang tawag at pangalan. Ito ay sa kadahilanang iba na ang pinagbasehan ng mga panibagong tawag sa kanila. Sa Amerika naman ay pinaniniwalaang ang Olmec ang unang kabihasnan na umusbong at lumataw nang sinaunang panahon.