Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ano ang kahulugan ng konsensya

Sagot :

Ano nga ba ang Konsensya?

Ang Konsensya at tumutukoy sa isip, ang paghusga ng isip kung masama o mabuti ang ating mga ginagawa o kinikilos. Ito rin ang maituturing na batas moral na itinanim ng panginoon sa puso at isip nating mga tao. Simula pa lang sa ating pagsilang ay may taglay na tayong konsensya na sadyang ipinagkaloob sa atin ng panginoon ito ang dahilan kung bakit tayo nakikibahagi sa karunungan at kabutihan ng diyos sa pamamagitan ng konsensya ay nalalaman natin ang tama at mali.

Mga halimbawa ng konsensya

  1. inuusig ka ng iyong konsensya sapagkat,inililihim mo sa iyong mga magulang ang iyong pagdadalang tao, nahihirapan kang sabihin sa kanila sapagkat nag aalala ka na sila ay magalit sa iyo, nakokonsensya ka dahil sa kabila ng kanilang paghihirap para pag aralin ka ay ganito ang iyong kinahinatnan.
  2. nakokonsensya ka dahil sa ginagawa ninyong pagsusulit sa paaralan ay nangopya ka,alam mo sa sarili mo na sa mataas na grado mong nakuha ay di mo naman talaga pinaghirapan ang lahat ng iyon.
  3. Konsensya ang pina iiral mo kung alam mo kung ano ang tama, Nagsisimba ka tuwing linggo upang mas mapatatag ang iyong pananampalataya sa panginoon.
  4. nakokonsensya ka dahil nakita mo ang asawa ng iyong kaibigan na may ibang babaeng kalambingan, Pero hindi mo sinasabi sa iyong kaibigan dahil natatakot ka na baka hindi ito maniwala o pag nalaman niya ang totoo ay tuluyang masira ang kanilang pagsasama. Pero may posibilidad din na nakokonsensya ka dahil di mo sinasabi ang tunay mong nalalaman hinahayaan mo siyang lokohin ng kanyang asawa, baka pag sinabi mo ang katotohanan ay maagapan at maisalba pa ang kanilang pamilya.

Ibat -ibang uri ng Konsensya

  • Ang tamang konsensya
  • Ang maling konsensya
  • Ang tiyak na konsensya
  • Ang di tiyak na konsensya

Tamang Konsensya

ito ay tumutukoy sa mga tamang pagpapasya na iyong gagawin, Nangangahulugan na ang iyong mga hakbangin ay naayon sa kaloob ng diyos at makabubuti sa iyong sarili at sa iyong  kapwa.

Maling Konsensya

Ito ay tumutukoy sa mga maling pagpapasya na iyong nagawa o gagawin palang nangangahulugan na ang iyong mga hakbangin ay hindi mabubuti sa lahat at maging sa iyong sarili.

Tiyak na Konsensya  

ito ay tumutukoy sa mga pagpapasyang alam mong tiyak mayroon kang mga basehan kung tama ba o mali ang iyong gagawin, tiyak ka na ang magiging resulta ng iyong mga gagawin ay makakasama ba o makabubuti sa iyo o sa kapwa dahil nga may basehan ka.

Di tiyak na Konsensya

ito ay tumutukoy sa mga pagpapasyang di tiyak nangangahulugan na ikaw ay may pag aalinlangan sa mga gagawin mo o ikikilos dahil wala kang basehan. kung ang mga kilos mo at gawi ay makakasama sa iba. maaring tumutukoy din ito sa panghuhusga mo sa ibang tao na wala kang tiyak na basehan sa iyong hinuhusgahan.

buksan para sa karagdagang kaalaman

iba pang kahalagahan ng konsensya https://brainly.ph/question/406342

ano ang konsensya https://brainly.ph/question/675749

kahalagahan ng konsensya https://brainly.ph/question/195021