Nagdudulot ito ng kapanatagan ng loob, na ikaw ay tinatanggap maski sa anumang katayuan mayroon ka. Magiging malakas din ang loob mo sa mga bagay na alam mong nakakabuti sa iyo kapa kasama mo ang iyong kaibigan. Sandalan at takbuhan mo rin siya sakaling mayroong bumangong mga personal na problema. Hinihingian mo rin ng mga praktikal na tulong ang mga kaibigang mabubuti at malalapit sa iyo. Kung minsan pa nga ay pati sa mga materyal na bagay kung sakaling nagipit ka. At higit sa lahat ay ipinagtatanggol ka nito sa panahong mapanganib.
Ang totoo, ang kaibigang tinutukoy ko ay ang iyong mga magulang. Sila dapat ang pangunahing mga kaibigan mo. Sila ang sasandalan mo sa panahong mahirap pakitunguhan.
Kung mayroong mabubuting kaibigan, mayroon ding mga masasama. Kaya piliin mong mabuti ang iyong magiging kaibigan.