IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

ano ang pagkakaiba ng paraan ng pagsulat noon at ngayon? Ihambing ito sa Pilipinas o sa iba pang bansa sa Asya na nais mo

Sagot :

Malaki na ang pagkakaiba na ng paraan ng pagsusulat noon sa ngayon.  Isa na dito ay ang mga kasangkapan sa pagsusulat tulad ng papel, lapis, ballpen at iba pa.  Noon, wala pang papel, kaya isinusulat ito sa mga balat ng hayop, puno o maski sa bato pa nga.  Tapos ang kanilang gamit pansulat ay ang tinta gamit ang mga matutulis na bagay, mga balahibo at iba pa.  Bagaman mayroon na ring sistema ng pagsusulat noon, hindi ito gaanong itinuturo hanggang sa sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas at naiambag na sa atin ang kanilang wika at sistema ng pagsusulat.

 

Sa ngayon, ang ating pagsusulat ay mas hi-tech na kompara noon.  Hindi lang ballpen ang pwedeng pansulat kundi pwede ka nang magtype sa iyong cellphone o sa iyong computer at i-print mo na lang ito sa printer.  Pati ang pagpapadala ng sulat ay ibang-iba na.  Noon, sa mga post office ito ipinapadala.  Ngayon ay sa mismong computer na.