IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Ano ang kasingkahulugan ng Mahinahon?

Sagot :

Kasingkahulugan ng Mahinahon

Ang salitang mahinahon ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na hinahon. Inilalarawan nito ang damdamin ng isang tao na panatag, walang kalituhan at walang gumugulo sa isipan. Ito rin ay tumutukoy sa pagkontrol o pagtitimpi ng damdamin. Ang kasingkahulugan ng mahinahon ay kalmado, tahimik, malumanay at matiwasay. Sa Ingles, ito'y calm.

Mga Halimbawang Pangungusap

Ating gamitin sa pangungusap ang salitang mahinahon upang mas maunawaan ito. Narito ang halimbawa:

  • Kausapin mo siya nang mahinahon kung nais mong maayos ang inyong relasyon.

  • Mahinahon padin ang kapitan ng aming baryo kahit nagsisigawan na ang mga taong dumulog sa kanya.

  • Alam naming masama ang loob mo ngunit kung hindi ka magiging mahinahon ay mapipilitan kaming palabasin ka ng kwarto.

Kasingkahulugan at kasalungat ng ilang salita:

https://brainly.ph/question/66570

#LearnWithBrainly