Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Mahalagang malaman ang kasaysayan ng ating nakaraan upang maintindihan natin ang mangyayari sa kasalukuyan. Malalaman rin natin ang pakakaiba ng noon sa ngayon sa pamamagitan ng paghahambing ng mga pangyayari. Halimbawa na lang sa mga tao, lugar at kagamitan o mga bagay-bagay. Noon, ang mga tao ay wala pang masyadong alam sa mga nangyayari sa daigdig. Kagaya na lang ng kung ano ba ang totoong hugis ng mundo, bakit may mga pangyayari na mahiwaga sa kanila na sa totoo lang ay natural lang naman. Binibigyan ng mga tao noon ng kahulugan ang mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid nila.Marahil na rin sa kanilang kuryosidad, sila ay nakakadiskubre ng mga bagay o kagamitan na nakakatulong sa kanila upang mapadali ang kanilang pamumuhay. Maituturing na rin ito na isang teknolohiya noong unang panahon. Kagaya na lang ngayon, ang mga tao ngayon ay marami nang alam pagdating sa teknolohiya. Paggamit ng computer, cellphones, o yung mga bagay na hightech. Lahat na yata ng gawain ay ginagamitan na ng teknolohiya ngayon. Dati naglalakad ka lang o ‘di kaya’y sumasakay sa mga hayop na gamit sa transportasyon, pero ngayon mayroon ng mga sasakyan. Maaari mong bayaran ang serbisyo nito, at kung ikaw ay may kaya o ‘di kaya ay mayaman, maaari kang makabili ng sarili mo.
Isa lamang ang mga ito sa kahalagahan kung bakit natin kailanang malaman ang kasaysayan.Sana ay natuto ka!
Isa lamang ang mga ito sa kahalagahan kung bakit natin kailanang malaman ang kasaysayan.Sana ay natuto ka!
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.