Ang timog Asya ay isang malawak na tangway at ito ay hugis tatsulok. Sa panahon natin sa kasalukuyan ito ay binubuo ng iba't ibang bansa. Ang mga bansang ito ay India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal at Maldives. Ang rehiyong ito ay kakaiba kumara sa ibang rehiyon sa Asya sa aspektong heograpikal at kultural sapagkat ito ay madalas na tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan kaya maituturing ito na halos na hiwalay na kontinente.