Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Ano ang ibig sabihin ng cyber bullying?
Ang cyberbullying ay ang panunukso, panglalait, pang-aasar, pagpapahiya o masamang pakikitungo ng isa o higit pang mga tao sa isang tao. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya gaya ng social media, chāts at iba pa. Ang pangbubully ay nagdudulot lamang ng mga masasamang epekto sa biktima nito, ang napatunayang nangbubully naman ay maaaring maparusahan.
May batas na ipinatupad ang ating pamahalahan noong taong 2013 laban sa pangbubully. Ito ang RA 10627 o tinatawag na "Anti-Bullying Act of 2013", nagsasaad dito ipinagbabawal ang pangbubully sa lahat ng mga paaralan pribado man o pampubliko. Pinagbabawal ang lahat ng uri ng pambubully ito man ay pisikal na pambubully sa paaralan o pambubully gamit ang teknolihiya. Ang mapatunayang nangbubully ay may karampatang parusa na matatanggap.
Ano ang sanhi ng Cyber Bullying?
Sa tingin ko ang sanhi ng Cyber Bullying ay ang kawalan ng gabay ng mga magulang sa kanilang mga anak tungkol sa tamang paggamit ng social media. Kakulangan rin sa disiplina ng mga kabataan sa paggamit ng social media ang nagbubunga ng Cyber bullying.
Narito ang ilan sa mga sanhi ng Cyber bullying:
- Kakulangan ng gabay ng mga magulang sa tamang paggamit ng social media o teknolohiya.
- Kakulangan ng disiplina ng mga kabataan sa paggamit ng social media.
- Ginagawang libangan ng ibang mga kabataan ang pangbubully gamit ang social media
- Pinagkakakitaan ng mga kabataan ang pangbubully
Ano ang epekto ng Cyber Bullying?
Ang pambubully ay nakapagdudulot lamang ng masasamang epekto sa pag-uugali, kinabukasan ng mga biktima nito, ganundin sa taong nagsagawa nito o mga taong nangbubully. Ito rin ay nagsisilbing masamang karanasan para sa mga nabiktima nito.
Narito ang ilan sa mga epekto ng Cyber bullying:
- Pagkawala ng kumpiyansa o tiwala sa sarili.
- Pagkasira ng kinabukasan.
- Pagpapàkàmatay ng biktima.
- Depresiyon
Para sa karagdagang kaalaman magtungo sa: Ano ang anti bullying law sa pilipinas? brainly.ph/question/621649
Ano Ang epekto ng cyber bullying? brainly.ph/question/543479
Dahilan at epekto ng cyberbullying: brainly.ph/question/1092277
#CarryOnLearning
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.