Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Kahulugan ng Bukambibig
Ang salitangbukambibig ay isang uri ng idyoma na nangangahulugan sa isang gawain ng tao na madalas na pagsabi o pagbanggit sa isang ideya o bagay o ang pinaguusap-usapan ng mga tao.
Bukambibig: Gamit sa pangungusap
- Nang nakapagpangasawa ng isang Hapon si Klarisse, naging bukambibig siya ng bayan.
- Naiinis na ako sa kaibigan ko dahil bukambibig niya ang kaniyang natipuhan sa kabilang seksyon.
- Bukambibig ng mga estudyante ang matagal na pagkawala ni Hiro.
Para sa karagdagang kaalaman:
https://brainly.ph/question/55762
#BrainlyHelpAndShare
#CarryOnLearning
BUKAMBIBIG
Ang salitang bukambibig ay tumutukoy sa isang bagay, tao, hayop o pangyayari na napaka-init na usapin sa mga tao, bali-balita o ang madalas na pinagkukwentuhan ng mga tao sa isang lugar dahil ito ay sikat, interesante o sumikat sa ilang mga kadahilanan.
Ang mga salitang kasing-kahulugan nito ay usapin, tanyag, sikat, usapin o bituin.
Pangungusap
1.) Ang mabilis na pagtangkad ni Emilio ay naging bukambibig ng kanyang mga pinsan.
2.) Naging bukambibig ngayon sa bayan ang nangyaring patayan sa palengke kaninang umaga.
#AnswerforTrees
#BrainlyOnlineLearning
#CarryOnLearning
#BrainlyHelpAndShare
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.