IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

comparative advantage ni david ricardo

Sagot :

Ang prinsipyo ng Comparative Advantage ni David Ricardo ay nagsasaad ng abilidad ng isang bansa,  negosyong, o indibidwal na gumawa ng produkto sa pinakatipid na pamamaraan at sa pinakamataas na halaga ng pagkakataon o opportunity cost na tumutukoy sa pinakamahusay na alternatibo upang makakuha ng pinakamataas mataas na kita sa isang produkto o serbisyo. Sa madaling salita, ang halaga ng pagkakataon o opportunity cost ay ang pagbitaw sa isang bagay para makamit at manguna sa ibang bagay.  

FURTHER EXPLANATION:

Isang magandang halimbawa upang mas lubos na maintindihan ang konsepto ng comparative advantage ay ang sumusunod:  

Si Mr. Dela Cruz ay isang abogado na binabayaran ng P1,000 kada oras sa loob ng 8 oras para gumawa ng legal na serbisyo at ang kanyang sekretarya naman na si Ms. Maria ay binabayaran ng P200 kada oras sa loob ng 8 oras para gumawa ng administratibong gawain. Kahit na kayang-kayang gawin ni Mr. Dela Cruz ang legal at administratibong gawain, mas pinili nya pa din niya bitawan ang administratibong gawain at kumuha ng sekretarya upang makapagpokus siya sa paggawa ng legal na serbisyo. Ito ay dahil ang perang kanyang kikitain sa paggawa ng legal na serbisyo at mas mataas kung ikukumpara sa perang kikitain niya sa administratibong gawain.  

Kapag nakumpleto nya ang 8 oras ng pagtatrabaho ng legal na serbisyo, kikita siya ng kabuuang halaga na P8,000 kada araw minus ang suweldo ng kanyang sekretarya na P1,600 kada araw o net pay na P6,400 kada araw. Sa kabilang banda, kapag hinati ni Mr. Dela Cruz ang kanyang oras sa paggawa ng legal na serbisyo (P1,000 kada oras sa loob ng 4 na oras) at administratibong gawain (P200 kada oras sa loob ng 4 na oras), kikita lamang siya ng P4,000 kada araw sa paggawa ng legal na serbisyo at P800 kada araw sa paggawa ng administratibong gawain o ang kabuuang halaga na P4,800 kada araw.  

At dahil ginamit ni Mr. Dela Cruz ang prinsipyo ng comparative advantage, nagdesisyon siyang bitawan ang administratibong gawain at magpokus sa legal na serbisyo sapagkat ito at nagbibigay ng mas mataas na kita.  

Learn more:

  • Uri ng sistemang pang-ekonomiya: https://brainly.ph/question/553855
  • Ano ang Ekonomiya: https://brainly.ph/question/511745
  • GDP of the Philippines: https://brainly.ph/question/1091913

Answer Details:

Grade: Junior High School

Subject: Araling Panlipunan

Chapter: Comparative advantage

Keywords: Ekonomiya, Comparative advantage, opportunity cost