Kasingkahulugan nito ang mga salitang may pupuntahan, mayroong gagawin, makikipag-ugnayan at paparoon sa isang dako.
Sa katunayan, ito ay maaaring bigyan pa ng iba pang kahulugan depende sa taong gagamit ng salitang ito. Halimbawa, ang mga drug addict kapag nagsabing sila ay "may lakad" ibig sabihin ay mayroon silang transaksyon sa iba pang drug dealer o mga kapwa addict. Ganoon din sa isang binatang manliligaw sa dalaga. Kapag sinabi niyang siya ay "may lakad" malimit panliligaw ang ibig niyang sabihin.