Ang " Dalagang Bukid" ay isa sa pinakapopular na sarswela na sinulat ni Hermogenes Ilagan. Siya ang tinaguriang "Ama ng Sarswelang Tagalog". Ang kauna-unahang pagtatanghal ng sarswelang ito ay noong taong 1917 ay sa Teatro Zorilla na dinumog at tinangkilik ng maraming Pilipino na noon ay nagsisimula ng maghimagsik laban sa mga Kastila.
Makalipas ang mahigit isang taon, pumayag si Hermogenes Ilagan na gawing pelikula ang sarswelang kanyang isinulat. Kaya naman noong taong 1919, isinapelikula ito sa sa produksyon ng Malayan Movies sa direksyon ni Jose Nepomuceno.