Ang depinisyon o katuturan ay ang pahayag ng
kahulugan ng isang salita o parirala. May dalawang pamamaraan sa
pagbibigay lahulugan ng salita. Una ay ang denotasyon o ang himatong o
kahulugang literal o ang direkta o literal na kahulugang nagmumula sa diksyunaryo.
Ang ikalawa naman ay ang konotasyon o ang pahiwatig na kahulugan o isang
masinig o malikhaing pagpapakahulugan sa isang salita.
Halimbawa:
denotasyon
·
Damo—uri ng halaman na makikita sa kapaligiran.
konotasyon
·
Damo— masamang damo—taong walang magagawang mabuti
ulilang damo --- taong walang magulang, nag-iisa sa buhay
(ang damo ay tao)